PNP, naalarma na sa sunod-sunod na pagkakahuli ng mga bata bilang courier ng droga

139

Cebu, Philippines – Ikinaalarma na ng kapulisan sa lungsod ng Cebu ang sunod-sunod na pagkakasangkot sa mga menor de edad sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ibinunyag ni Cebu City Police Office chief, Sr. Supt. Joel Doria na sa magkakasunod na operasyon nila sa ibat-ibang barangay sa lungsod ng Cebu mahigit 20 mga menor de edad ang kanilang nailigtas matapos itong gamitin bilang courier ng iligal na druga.


Nababahala si Doria sa maraming mga kabataan na kanilang na-rescue sa kanilang operasyon, lalo na ngayon na dapat sana ay nag-aaral na ang mga nasabing kabataan imbis na sila ay nasa kalsada.
DZXL558

Facebook Comments