May direktiba na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa mga sundalo na suportahan ang mga community pantry sa bansa.
Ito ay sa harap na rin ng isyu ng red-tagging sa mga organizer ng community pantry tulad ng nangyari sa Maginhawa.
Ayon kay AFP Chief, partikular nyang ibinigay ang utos sa J7 at kanilang Civil Military Operations Unit na tumulong.
Sa katunayan hinihikayat pa ni Sobejana ang kanyang mga tauhan na i-donate ang kanilang isang araw na subsistence allowance para makalikom ng pondo.
Samantala, ayaw naman nagkomento si Sobejana sa pagkumpara ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade sa community pantry sa mansanas ni Santanas.
Pero kinausap niya na raw si Parlade at pinaalalahanan sa kanilang guidelines at pinagsabihang mag -ingat sa mga binibitawang salita.