AFP Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang sunod na DILG secretary

109

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año bilang sunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa kanyang departure speech sa NAIA kanina, sinabi ng Pangulo na tiwala siya sa kakayahan at karanasan ni Año bilang sundalo para malutas ang problemang kinahaharap ngayon sa hanay ng pulisya.

Gayunman, kailangan munang tapusin ni Año ang kanyang termino sa AFP na nakatakda sa Oktubre 26, 2017.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng Pangulo na napirmahan na niya ang appointment ni Senator Alan Peter Cayetano bilang sunod na Foreign Affairs Secretary.
DZXL558

Facebook Comments