AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., positibo rin sa COVID-19

70

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo na rin sa COVID-19 si Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr.

Nakuha ng AFP Chief ang result ng kanyang COVID test kahapon.


Kaya naman simula ngayong araw ay naka self-quarantine na si Secretary Lorenzana.

Aniya may dalawang okasyon  na nagkasama sila ni General Santos.

Una ay sa Villamor Air Base sa Pasay kung saan itinurn over ang mga donasyong medical supplies nitong March 21.

At nitong March 22 nagkita rin sila ni General Santos sa Heroes Hall sa Malacanang.

Ayon pa kay Secretary Lorenzana wala namang syang nararamdamang sintomas ng COVID-19, pero bilang pagsunod sa protocol magsi self-quarantine sya  ng 14 na araw.




Facebook Comments