
Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umano’y manifesto of support ng ilang mga retiradong kawani sa 18 nagpapakilalang Marines at bagmen ni dating Congressman Zaldy Co.
Binigyang-diin ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang mga nasabing retirado ay hindi naman nagre-represent sa buong retired officers.
Ayon pa sa kanya, mas marami pa rin ang nasa listahan ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) kaysa sa mga nagbigay ng umano’y manifesto.
Nabatid na present kanina sa isang pulong balitaan para sa tinawag na Brave18 si Hermogenes Esperon, dating AFP Chief of Staff at National Security Adviser na nagpahayag ng suporta sa nasabing mga nagpakilalang marines.
Kasama rin nila ang dating mambabatas na si Mike Defensor na nauna nang tumanggi na siya ang nasa likod ng grupo ngunit handa umano itong tumulong sa legal battle ng nasabing 18 ex-Marines.










