AFP, itinangging pag-aari ng pamahalaan ang ilang narekober na armas mula sa Maute group

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pag-aari ng pamahalaan ang ilang mga armas at sandatang narekober mula sa Maute group.

Ito’y kasunod na lumalabas na impormasyon online na mismo ang mga nasa gobyerno ang nagbibigay ng suplay sa teroristang grupo.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – posibleng ang ilan sa mga narekober na armas ay kinuha ng mga kalaban mula sa mga armory ng gobyerno.


Tiniyak naman ng AFP na ginagawa nila ang lahat para hindi na makakuha ng suplay ang teroristang grupo at maiwasan na ang pagrere-supply nito ng mga armas.

DZXL558

Facebook Comments