Inilunsad ng Armed Forces of The Philippines Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) ang isang reference book tungkol sa Human Rights at International Humanitarian Law (IHL).
Ayon kay AFPCLOAC Director BGen. Joel Alejandro S. Nacnac, ang libro ay magsisilbing gabay ng mga military commanders sa pagresolba ng mga isyu na may kaugnayan sa karapatang pantao at International Humanitarian Law o IHL sa kani-kanilang mga unit.
Nakapaloob din sa libro ang tamang proseso ng pag-monitor at pag-report ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at IHL.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ng guidebook ang AFP mula nang nilikha ang pinalitang AFP Human Rights Office noong 2007.
Bago inilabas ang libro, mahigit isang dekada na rin ang nakalipas mula nang magpalabas ng kanya-kanyang handbook kaugnay sa karapatang pantao ang mga human rights officers ng mga major services ng AFP.