AFP, nag-deploy ng 32-man medical team sa Cebu City

Nagpadala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 32-person medical team sa Cebu City.

Isinagawa ang send-off ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City kaninang umaga.

Sumailalim muna sa swab test at binigyan ng anti-flu shots ang mga doktor at medical assistant bago sila idineploy sa Cebu.


Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, nasa 10 civilian doctors mula Iloilo ang tutulong sa medical team.

Bibisitahin naman bukas ng kalihim ang Barangay San Nicolas sa Cebu City para komprontahin ang kapitan ng barangay kaugnay ng isinagawang prusisyon sa kabila ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu na pangunahan ang pagtugon ng COVID-19 pandemic sa lungsod.

Samantala, magtatayo rin ng mga tent sa Cebu City ang Philippine Red Cross (PRC) na gagamitin bilang isolation facilities.

Magdo-donate din ang PRC ng mga ventilator.

Facebook Comments