AFP, nakakatanggap na ng mga impormasyon sa posibleng kinaroroonan ng bandidong grupo sa Bohol

Manila, Philippines – Nag-umpisa nang dumagsa ang mga impormasyonsa posibleng kinaroroonan ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group natinutugis ng awtoridad sa Bohol.
 
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. EduardoAño, ito’y makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang P1-milyong pabuya parasa makapagtuturo sa kinaroroonan ng bawat isang bandido.
 
Target aniya nilang tugisin ang guide na si Joselito Mellora alyas“Abu Alih na siyang nagdala sa buong grupo ni ASG Sub-Leader Muammar Askali alyas“Abu Rami” na napatay sa engkuwentro sa inabanga, Bohol.
 
 
Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, target ng militarna mahuli sa loob ng tatlong araw ang ASG members.
 
 
   
 
 
   

Facebook Comments