AFP, nanatili ang alert level sa kabila ng terror attack sa Pakistan at Nigeria

Manila, Philippines – Walang pagbabago sa alert level ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla matapos ang nangyaring terror attack sa Pakistan at Nigeria kung saan 18 katao ang napatay.

Sa ngayon, nanatiling nasa heightened alert ang alerto ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.


Ang alert level na ito ay noong pang nakalipas na taon matapos na magdeklara ang ang Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Lawlessness kasunod ng naganap na pagsabog sa Davao City na ikinasawi ng 14 na katao.

Facebook Comments