AFP, sumang-ayon sa idineklarang liberation sa Marawi ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sinang-ayunan ng Armed Forces of the Philippines ang ginawang declaration of liberation ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang deklarasyon ay ginawa ng Pangulo matapos ang pagkakapatay sa liderng mga terorista na sina Omar Maute at ISIS Emir South East Asia Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, maliit na bilang na lamang ng mga kalaban ang nasa lungsod ng Marawi.


At ito aniya ay masusupil na, sa pamamagitan ng mga ikakasang law enforcement operation dahil hindi na nila ito itinuturing na serious threat.

Ang ginagawa na lamang aniya nila ngayon ay ang pagsasagawa ng mopping up operation laban sa mga natitira pang miyembro ng Maute-ISIS group.

Sinabi pa ni General Año na sa ngayon tumutulong na rin sila sa pagsasagawa ng damage assessment na bahagi ng rehabilitation at reconstruction sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments