Marami umanong hawak na ebidensya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatunay na front ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang mga human rights group gaya ng karapatan.
Kasunod ito ng pagkondena ng karapatan sa afp dahil sa red-tagging ng militar sa grupo.
Tinawag pa nitong “false claims” at “fake news” ang umano’y nabigong red october o ang planong destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte na ginamit lang para siraan ang mga kritiko ng administrasyon.
Pero ayon kay AFP Chief of Staff for Operations Brigadier General Antonio Parlade – bukod sa mayroon silang “truckloads” ng ebidensya, mismong si CPP Founding Chairman Joma Sison naman aniya ang nagsabing front organization nila ang karapatan at ibon foundation.
Marahil aniya ay natatakot lang ang grupo na malantad ang katotohanan.
Kinuwestiyon din ni Parlade ang pagiging human rights defender ng karapatan gayong wala naman itong ginagawa sa patuloy na pagpatay ng npa sa mga indigeneous people sa mindanao.
Wala aniyang ibang alam gawin ang grupo kundo dumakdak at mag-rally.
Kaya hamon niya kay karapatan Secretary General Cristina Palabay, magharap sila sa isang one-on-one na diskusyon sa national tv.