May kuryente na ang isang liblib na katutubong komunidad sa Sitio Batayan, Barangay Alangtin, Tubo, Abra.
Ito’y matapos na makumpleto ng mga sundalo ng 71st Infantry Battalion, Philippine Army ang pagkakabit ng 60 solar panels na bahagi ng “Light of Peace Project”.
Layunin ng proyektong ito na isulong ang solar electrification sa mga tinaguriang ‘conflict areas’, sa pagtutulungan ng militar at mga private group.
Sampung street lights at limampung kabahayan ng katutubong Itneg ang napailawan ng 1.2-kilowatt Solar Electrification System na itinayo ng mga sundalo.
Ayon kay 7th Infantry Division Commander, Major General Alfredo Rosario Jr, ngayon ay may ilaw na sa gabi para makapag-aral ang mga bata at makapaglakad ng ligtas sa daan kahit gabi.
Aniya, ang proyekto ay patunay na kung mas marami ang nagtutulungan, mas marami rin ang nakikinabang.