AFP, tutulong sa paghahatid sa mga estudyante sa Mindanao State University sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo

Iligan City – Inihayag ngayon ng pamahalan na tutulong ang Armed Forces of the Philippines sa paghahatid sa mga estudyante sa Mindanao State University (MSU) mula sa Iligan City.

Ito ay bahagi ng road normalcy na ginagawa ngayon ng Task Force Bangon Marawi sa lugar.

Nabatid na balik-eskwela na ang mga estudyante sa Mindanao State University sa darating na Miyerkules, Agosto 22, kung saan inaasahan na 800 estudyante ang magsisimula nang pumasok.


Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kaligtasan at seguridad ng mga estudyante ng MSU pati na ang mga guro at iba pang nagtatrabaho sa nasabing unibersidad.

Nilinaw din naman ni Padilla na malayo ang MSU sa main battlefield at walang dapat ikabahala o ipag-alala mula sa mga banta ng Maute.

Naitaboy na rin aniya ang mga snipers na malapit sa MSU kaya hindi na ito dapat ikabahala.

Ngayon, aniya, ay nasa half square kilometers nalang ang konsentrasyon ng Maute sa lungsod na pilit ngayong binabakbakan ng militar.

Facebook Comments