African Swine Fever sa Cagayan Valley, ‘Zero Case’ Pa rin- DA Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak ng Department of Agriculture Region 2 na ‘zero case’ pa rin ang buong lambak ng Cagayan sa usapin ng African Swine Fever kahit na may ilang lugar sa bansa ang positibo sa nasabing sakit ng mga alagang baboy.

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, mahigpit pa rin ang kanilang isinasagawang checkpoint sa mga endpoint ng rehiyon katuwang ang mga awtoridad para masiguro ang hindi pagpasok ng mga karne ng baboy mula sa labas ng rehiyon.

Iginiit din nito na masusi nilang binibigyang prayoridad ang mga delivery truck lalo na ang mga posibleng may laman na karne ng baboy mula sa karatig na rehiyon.


Hindi rin nito itinanggi na mahirap ang pagbibigay abiso sa mga pribadong sasakyan dahil hirap din silang magsagawa ng inspeksyon dito dahil kalimitan sa mga naibibiyaheng karne ay mula sa mga delivery kaya’t panawagan nito sa publiko na makipagtulungan pa rin sa kanila para hindi magkaroon ng ASF ang lambak ng Cagayan.

Mahigpit pa rin na paalala nito sa publiko ang pag iwas sa pagpapakain s amga alagang baboy ng pinaghugasan at mangyaring pagkain na lamang ng darak upang maiwasan ang pagkakaroon ng African Swine Fever.

Facebook Comments