Sa inisyal na taya ng Provincial Government ng Pangasinan aabot na sa Php 1.6 bilyong piso sa imprastraktura at agrikultura ang danyos sa lalawigan dahil sa bagyong ompong. Sa inisyal na assessment ng PDRRMC tinatayang aabot ang pinsala sa agrikulra higit isang bilyon. Sakop nito ang ekta-ektaryang palayan, palaisdaan, at iba pang mga pananim sa buong probinsya. Pagdating naman sa imprastraktura aabutin sa humigit kumulang 26 milyong piso ang danyos dahil sa maraming dike, tulay, at daanan ang nasira. Samantala aabot na sa humigit kumulang na 21,000 pamilya o nasa 94,430 na indibidwal mula sa 276 na Barangays at 34 cities and municipalities ang apektado ng bagyong Ompong sa Pangasinan. Patuloy pa ang ginagawang assessment sa pinakapinal na datos sa danyos ng nakaraang bagyo. Sa taya ng Provincial Government maaaring madagdagan pa ang pinsalang maitatala.
AFTERMATH | Pinsala sa Pangasinan ni Ompong aabot na sa Bilyong Piso!
Facebook Comments