Nag-iwan ang typhoon Rosita ng higit 100 milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura.
Sa datos ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng Department of Agriculture (DA-DRRMOC), pumalo sa ₱112.21 million ang nasirang pananim.
Aabot sa 4,979 na magsasaka at 7,448 na ektarya ng agricultural land ang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga apektadong lalawigan ay Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.
Nalugi ng 6,564 metric tons ang produksyon ng bigas na nagkakahalaga ng ₱112.01 million.
Inaalam pa ng DA ang halaga ng pinsala sa maisan, high value crops, livestock at poultry sector, maging sa irrigation facilities.
Facebook Comments