HALALAN | PRRD, binanggit ang mga katangiang gusto niya sa mga i-eendorso niyang senador

540

Manila, Philippines – Inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katangiang hinahanap niya sa isang senador na i-eendorso niya sa may 2019 midterm elections.

Ayon sa Pangulo – hindi niya pipiliin ang mga kandidatong manloloko, manggagantso at mandaraya.

Muling ipinahayag ni Pangulong Duterte ang suporta kay dating special assistant to the president Christopher ‘Bong’ Go na tatakbo sa pagkasenador.

Binanggit ni Duterte ang mga credentials ni Go at iginiit na may kakayahan ito sa pamamahala o pamumuno.

Una nang tiniyak ni Pangulong Duterte ang malinis at patas na eleksyon.

Facebook Comments