DUMEPENSA | PRRD, muling itinanggi na may kinalaman siya sa pagpapatalsik kay Alvarez

Manila, Philippines – Muling itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang planong ito ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Durerte-Carpio.

Dagdag naman ng Pangulo na handa itong tuluyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.


Ipauubaya na niya ang pamamahala kay Inday Sara.

Maaalalang nagkairingan sina Mayor Duterte at Alvarez matapos bumuo ng regional party ang alkalde.

Facebook Comments