Lalaki sa Texas, nagpropose sa girlfriend gamit ang GPS cyclist app

57
via PA

Tampok sa mga netizen ang isang lalaki na gumamit ng GPS cyclist app upang magpropose sa kaniyang girlfriend na mula sa Texas, Estados Unidos.

Gumamit si Jon Blaze ng app na Strava, isang GPS service, upang alukin ng wedding proposal ang kaniyang nobya na si Thao Nguyen ng tatlong taon.

Nagbisikleta ang magkasintahan sa layong 15.7 milya sa loob ng dalawang oras.


Lingid sa kaalaman ni Thao na ang kanilang sinundan na ruta pala ay may katagang “MARRY ME” kung saan ipinakita lamang ni Jon sa dulo ng destinasyon.

Ayon kay Jon, hindi siya nabigo dahil sumagit ang kaniyang girlfriend ng “Oo.”

“I was nervous the entire ride, all the way up to where I got down on my knees, and was very relieved when it was all over,” pahayag ni Jon.

Facebook Comments