Cauayan, Isabela – Patuloy ang agresibong kampanyang kapulisan kontra sa iligal na sugal sa probinsya ng Isabela. Ito ang naging pahayag ni Police Community Relation Offficer Superintendent Warlito Jagto sa panayam ng RMN Cauayan.
Aniya ang operasyon ay nagbunga sa pagkakahuli ng walumput walong katao na lumabag sa PD 1602 mula sa buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan.
Iginiit pa ni Superintendent Warlito Jagto na may dalawamput pitong operasyon ng anti gambling at ang kaso dito ay naisampa na sa korte.
Umabot sa halaga na dalawamput dalawang libo,limang daan at tatlong piso ang nakompiska sa mga naglaro ng tong-its, drop ball, madyong at iba pang iligal na laro.
Kaugnay nito, lahat umano ng bayan dito sa lalawigan ng Isabela ay tumalima sa kautusang One Time Big Time Operation ng PNP kaugnay sa Illigal Gambling.