Agriculture Secretary Dar, iginiit ang higit pang pagbubukas ng ekonomiya upang matugunan ang kagutuman

Ngayong nakokontrol na ang pagkalat ng COVID-19 infections, panahon na para higit na mabuksan ang ekonomiya para matalo ang kagutuman.

Ito ang nakikitang paraan ni Agriculture Secretary William Dar upang makatawid ang bansa sa pandemic-induced recession.

Ani Dar, target ng Department of Agriculture (DA) na makalikha ng mas maraming income opportunities sa sektor ng agrikultura.


Naniniwala si Dar na kaya ito makamit sa pamamagitan ng agresibong implementasyon ng livelihood at income-generating opportunities upang maiahon ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda.

Gayundin ang pagpapababa sa costs of production at masigurong may ready markets para sa farm at fishery products.

Sa pamamagitan nito, mababalanse ang oportunidad sa murang pagkain at ang pangangailangang mapalaki ang kita ng agriculture sector.

Giit ni Dar, hindi lang ang hamon ng COVID-19 ang kanilang pinaghahandaan kundi ang susunod pang kakaharaping pagsubok ng bansa.

Facebook Comments