Agriculture sector, nakapagtala ng record high na produksyon ng palay sa unang hati ng 2021

Matapos ang record high na produksyon ng palay noong 2020, posible umanong makapagtala ng back-to-back na mataas na aning palay kasunod ng magandang ipinakita ng first quarter palay harvest.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakapag-ani ang mga magsasaka ng abot sa 4.626 million metric tons sa first quarter ng 2021.

Ito ay 8.6 percent na mas mataas kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2020.


Kumpiyansa ang kalihim na kaya nitong lagpasan ang 20.4-million metric ton ng palay production target ngayong 2021.

Ayon pa kay Dar, nakatulong sa magandang performance ng mga magsasaka ang mga polisya at interbensyon ng ahensya.

Facebook Comments