Cauayan City Isabela- Binisita ng National Commission on Indigenous People (NCIP) Isabela ang Agta Community sa Sitio Dilukot, Brgy. Burgos, San Guillermo nitong Martes, Disyembre 14, 2021.
Kasamang bumisita ng NCIP Isabela ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kung saan tinalakay ang kanilang mga plano at programa gaya ng delineation ng ancestral domain, pagpapatayo ng bahay at kuryente at pagsasaayos sa mga pasilidad ng eskwelahan.
Bahagi rin ng kanilang pagbisita ang pamimigay ng school bags at food packs sa 25 na pamilya ng katutubong Agta.
Ang isinagawang aktibidad ay isang paraan ng pamahalaan upang magbigay ng kaalaman sa mga katutubo kaugnay sa iba’t-ibang programa ng gobyerno upang mailayo at maiiwas sa pagmamanipula at recruitment ng mga CPP-NPA-NDF.
Kaugnay nito, naglabas ang NCIP ng tatlong (3) resolutions na layong kondenahin ang patuloy na pagpatay, radikalisasyon, pagrerekrut, pananamantala ng mga teroristang NPA at pagbuo sa mga IP People’s Organizations na nagpapalabas ng maling impormasyon at tunay na sitwasyon ng mga katutubo.