UPDATE: TRAHEDYA SA MADALING ARAW │Tatlong namatay sa pagsabog ng water tank sa Bulacan, kinilala na

Manila, Philippines – Kinilala na ang tatlong namatay sa pagsabog ng water tank sa San Jose Del Monte Bulacan water district.

Sa interview ng RMN kay SJDMB Public Information Officer Ronald Soriano – kinilala ang mga namatay na sina Jimmy Garcia, 50-anyos, isang police aid, Elaine Samson, 23-anyos at isang taong gulang na sanggol na si Jaina Espina.

Ayon kay Soriano, dalawa naman ang kritikal sa 42 na sugatan kasama na ang mga magulang ng sanggol.


Tiniyak ni SJDMB Mayor Arthur Robes ang tulong sa mga biktima.

Aabot sa mahigit 60 residente ang apektado ngayon matapos na mawalan ng tirahan dahil sa pagsabog ng pagsabog ng water tank.

Tumaas ang bilang ng casualty dahil nasa gilid ng kalsada ang tangke kung saan mayroong mga bahay at establisyimento sa paligid nito.

Facebook Comments