Pastor, arestado matapos umanong gahasain ng ilang beses ang kinupkop na bata

Dinakip ng awtoridad ang 57-anyos na pastor mula Villasis, Pangasinan matapos akusahan ng panggagahasa sa isang 12-anyos na babaeng kanya umanong kinupkop.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si Ruben Pagaduan na sinasabing inampon at pinag-aral pa ang biktima.

Ayon sa hepe ng Villasis Police na si Major Fernando Fernandez Jr., nakalulungkot daw dahil kakilala at malapit sa kanila ang suspek ay kailangan maging pantay sa batas.


Lumabas din sa medico-legal na kumpirmadong hinalay ang biktima.

Bagama’t mariing itinatanggi ng pastor ang paratang ay desidido raw ang pamilya ng bata na magsampa ng kaso laban dito.

Samantala, hindi naman nakuhanan ng pahayag ang biktima dahil kasalukuyan na raw itong nakatira sa Kalinga.

Facebook Comments