Air Asia, magbabalik-operasyon na sa Bangkok at Bali

32

Simula sa bukas, July 17, balik na ang operasyon ng Air Asia sa Bangkok, Thailand at Bali, Indonesia.

Ayon kay Air Asia CEO Ricky Isla, ang kanilang flights sa Bangkok at Bali na kabilang sa key markets ay magpapalakas sa air carrier sa ikatlong quarter ng taon.

Tuwing Miyerkules at Linggo ang magiging flight ng Air Asia sa Bali habang tuwing Biyernes at Linggo naman ang kanilang magiging biyahe sa Bangkok.


Ang Air Asia ay mayroon na ngayon 80-90 domestic at international flights kada araw.

Facebook Comments