Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa kanila lamang sakop ang pagbabawal sa pagbiyahe ng mga delegado ng Pilipinas sa climate change conferences abroad.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. – mas pinili ng kanilang kagawaran na sundin ang pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagsasagawa ng climate talks na walang ginagawang aksyon.
Binigyang diin ng kalihim, patuloy na i-a-accredit ng DFA ang mga kinatawan ng Kongreso at iba pang departamento sa climate change meetings sa ibang bansa.
Aniya, ang air travel ban sa climate change forums ay limitado lamang sa DFA.
Tiniyak ng DFA na patuloy na gagawa ang Pilipinas ng matibay na argumento at panukala tungkol sa climate change sa pamamagitan ng internet at walang “traveling faces.”