Airline companies partikular ang local carriers, hirap sa full recovery ng flights dahil sa quarantine procedures sa kanilang mga crew

Maituturing na malaking hamon para sa airline companies lalo na ng local carriers ang procedures na ipinatutupad sa kanilang mga crew sa tuwing may biyahe sa mga bansang may banta ng COVID-19.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na hindi pa maibalik ang full operational flights ng mga airline dahil apektado ng quarantine procedures ang mga crew ng mga eroplano.

Obligado kasi aniya ang mga crew na sumailalim sa labing-apat na araw na quarantine period kapag bumiyahe mula o patungo sa mga bansang may naitalang kaso ng persons under investigation o PUIs nagpositibo sa COVID-19.


Kaya hindi aniya mapagsunud-sunod ang biyahe ng isang kumpanya ng eroplano dahil magpapang abot ang mga crew na matitengga dahil sa quarantine procedures.

Umaasa naman si Monreal na sa loob ng linggong ito hanggang sa susunod na linggo ay malulutas na ang problemang ito ng mga airline company para sa full recovery ng kanilang mga biyahe.

Sa ngayon, sinabi ni Monreal na mas malaki ang bilang ng mga mga lumilipad na foreign carriers kumpara sa local carriers.

 

Facebook Comments