Airport guard, nagsauli ng naiwang wallet ng isang Korean National

Good news!

Manila, Philippines – Ibinalik ng isang airport guard ang naiwang wallet ni Kangho Yoon, Korean National na paalis ng bansa at pabalik na ng Incheon

Aksidenteng nalaglag ng Koreano ang kanyang wallet sa West Departure Curbside ng NAIA Terminal 1.


Nakita naman ito ni Security Guard Reno Erenea at sa halip na pag interesan, agad nya itong dinala sa Terminal Police Office.

Dito na tinawag ang pansin ng pasaherong si Kangho Yoon.

Laman ng wallet ang iba’t ibang ID ng banyaga, P24,950 at 181,000 Korean won.

Pagkakuha ng kanyang wallet, nagpasalamat si Yoon kay Erenea at ipinagmalaki ang ginawa nitong kabutihan.

Samantala, pinasalamatan naman ni MIAA General Manager Ed Monreal si SG Erenea at sinabing ipagpatuloy ang pagiging tapat sa serbisyo na isa sa nagpapaganda ng imahe ng bansa.

Facebook Comments