Isang Drug Pusher, Patay sa Buy Bust Operation; Live-in partner-Arestado!

*Solano, Nueva Vizcaya**- *Patay ang isang muslim na tulak ng droga matapos manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad nitong Enero 16, 2019 sa Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang nasawi na si Jalani Mangandaya, nasa tamang edad habang ang live-in partner nito na nadakip ay si Jasmin Montilla, 20 anyos na kapwa residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng impormasyon ng RMN Cauayan, natunugan umano ng suspek na pulis ang ka-transakyon nito kaya’t agad nitong pinaputukan ang pulis na agad namang nakaiwas mula sa putok ng baril ni Mangandaya.


Agad namang dumepensa ang mga kasamang law enforcers na nagresulta sa pagkakabaril ng suspek na agad ding binawian ng buhay matapos maisugod sa pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang unit ng 9mm pistol na may pitong bala, isang fragmentation grenade, isang sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, 13 sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa iba’t-ibang lalagyan, dalawang glass tooter, isang plastic spoon, dalawang basyo ng bala ng 9mm, isang unit ng cellphone, isang black holster, sampung piraso ng isang libong piso (P1,000.00), labing tatlong piraso ng pekeng isang libong piso (13,000.00) at tatlong piraso na pekeng limang daang piso (P500.00)

Samantala, napag-alaman ng PNP na si Mangandaya ay isang newly identified drug personality na sangkot sa bentahan ng droga sa bayan ng Solano.

Facebook Comments