Airport Road, nilinis bilang paghahanda sa SOCA ni Mayor Bernard Dy!

Cauayan City, Isabela – Nagkaisa sa paglilinis kahapon ang mga kasapi ng Tactical Operations Group 2 (TOG-2), Philippine Air Force (PAF) sa pangunguna ni Civil Military Operations (CMO) Officer 2Lt. Cynthia Banisal partikular sa Airport Road, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa mismong pakikipanayam ng RMN Cauayan kay 2Lt. Banisal, layunin ng kanilang paglilinis na mapaghandaan ang pagdating ng mga bisita para sa gaganaping ‘Balik Tanaw 2019 State of the City Address’ ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy sa araw ng Lunes, Enero 21, 2019.

Nakiisa rin sa paglilinis ang pamunuan ng City Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Engr. Alejo Lamsem kasama ang ilang mga residente ng Airport Road.


Kaugnay nito, namigay ng 30 basurahan ang pamunuan ng TOG-2 na ibibigay sa mga nagre-request na barangay na nagsasagawa ng malawakang paglilinis bilang pagsuporta sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management.

Samantala, nakikipag-ugnayan rin ang kanilang pamunuan sa bawat barangay ng Lungsod ng Cauayan upang makatulong sa kung anuman ang mga isasagawang proyekto.


Facebook Comments