Akbayan Party List, maagang nagtirik ng kandila para sa mga namatay sa war on drugs

Manila, Philippines – Maagang nagdaos ng Undas ang grupong Anakbayan Party List.

Suot ang itim na Belo, nagtirik ang mga miyembro ng grupo ng kandila sa Bantayog ng mga Bayani.

Ang protesta ay bilang pakikiramay sa mga biktima ng pagpatay at kanilang mga kaanak.


kasabay nito, tiniyak ni Akbayan Chairperson Emeritus Etta Rosales, pananagutin nila ang ang Philippine National Police at administrasyong Duterte sa napakaraming napatay sa war on drugs.

Binigyan diin ni Rosales na hindi sapat ang pagkakalipat sa Philippine Drug Enforcement Agency ng kapangyarihan sa pagsugpo ng droga sa bansa.

Hindi aniya dapat patawarin ang mga pasimuno sa malawakang pagpatay sa halip dapat ipursige ang walang kinikilingang imbestigasyon laban sa nagpatupad ng madugong war on drugs.

Ginawa ng Akbayan ang protesta bilang pakikiramay sa mga biktima ng pagpatay at kanilang mga kaanak.

Facebook Comments