Muling nabigyang-buhay ang hilig sa libro sa idinaos na “Aklatan sa Parke” sa Urdaneta City People’s Park noong Abril 8, 2026, tuwing martes at miyerkules kung saan nakiisa ang mga bata at iba pang kalahok sa isang gawaing may layuning palaganapin ang pagbabasa.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang publiko, lalo na ang mga kabataan, na mas mahalin ang pagbabasa sa isang bukas at maaliwalas na lugar. Sa simpleng paraang ito, naging mas masaya at mas kawili-wili ang pagbabasa ng aklat.
Makikita ang saya ng mga batang kalahok habang nagbabasa at nakikibahagi sa programa. Naging magandang pagkakataon din ito upang pagsamahin ang pag-aaral at kasiyahan sa isang gawaing kapaki-pakinabang para sa komunidad.
Ipinakita ng Aklatan sa Parke na ang mga simpleng programang tulad nito ay malaking tulong upang mapalapit ang mga bata sa pagbabasa at mahikayat silang mas pahalagahan ang pag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










