ILIGAL NA SUGAL AT DROGA, SENTRO NG MGA OPERASYON NG PANGASINAN PPO SA BUONG ISANG LINGGO

Ilegal na sugal at droga ang naging pangunahing target ng pinaigting na operasyon ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) matapos makapagtala ng sunud-sunod na aksyon laban sa mga ito mula Abril 6 hanggang Abril 12, 2026.‎

Sa ulat, umabot sa 13 operasyon ang isinagawa laban sa ilegal na sugal na nagresulta sa pagkakaaresto ng 32 indibidwal at pagkakasamsam ng mga kagamitang ginagamit sa pagsusugal.‎

Kasabay nito, 13 operasyon din ang isinagawa kontra ilegal na droga kung saan 14 na hinihinalang sangkot ang naaresto.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang 195.49 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang ₱1.3 milyon, patunay sa patuloy na pagsugpo ng awtoridad sa drug trade sa lalawigan.

Samantala, nagsagawa rin ng operasyon laban sa loose firearms na nagbunga ng anim na aresto at anim na baril na nasamsam. Dalawa ring wanted na indibidwal ang nadakip sa magkahiwalay na manhunt operations.‎

Ayon sa Pangasinan PPO, patuloy nilang paiigtingin ang mga operasyong nakatuon sa mga krimeng may direktang epekto sa seguridad ng komunidad, partikular ang ilegal na sugal at droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments