AKSIDENTE? | Kotse nahulog sa ilog sa Makati City

Makati City – Nagulat ang mga saksi ng makitang nahulog ang isang SUV sa Ilog Pasig sakop ng Baranagy Cembo, Makati City kagabi.

Ayon sa driver na si Luis Ponciano, pumarada siya sa tapat ng isang butika sa JP Rizal dahil bibili ng gamot ang isa sa kanyang sakay.

Dito na nahulog ang itim na Toyota Fortuner kung saan nasa loob nito ang 59-anyos na si Erlinda Francisco.


Agad nailigtas si Erlinda na nagtamo ng bukol sa ulo at agad dinala sa hospital.

Iginiit ng driver na si Ponciano, bagaman at bukas ang makina ng sasakyan, iniwan niya naman itong naka handbreak.

Tumagal ng dalawang oras bago nakuha ang nahulog na sasakyan sa ilog.

Sinabi ni Traffic Investigator SPO2 Wilson Nacino, totoong naka-handbreak ang kotse ng kanilang ma-recover kaya at posibleng nagkaroon ng mechanical failure.

Maliban kay Erlinda, hindi nasaktan ang driver na Ponciano at isa pang sakay nito na si Bhecky Pangan.

Facebook Comments