Aksidente sa Daan, Karamihang Nangyayari sa Cordon Isabela!

Cordon, Isabela – Karamihang nangyayari sa bayan ng Cordon Isabela ay ang aksidente sa daan dahil sa kawalan ng disiplina sa pagmamaneho ng mga motorista.

Ito ang kinumpirma sa RMN Cauayan ng Deputy Chief of Police ng PNP Cordon na si Police Inspector Allan Batara.

Aniya, mula sa buwan ng Enero hanggang sa buwang kasalukuyan ngayong taon ay mayroong 88 na bilang ng aksidente kung saan karamihan umano sa mga drayber ng mga sasakyan lalo na ang motorsiklo ay mga nakainom o lasing.


Sinabi pa Police Inspector Batara na may mga sangkot din na estudyante at iilan lamang ang mga menor de edad.

Gayunman, bumaba umano ang bilang ng aksidente ngayong taon kumpara noong taong 2017 na may kabuuang 104.

Samantala, maayos naman umano ang peace and order situation sa bayan ng Cordon dahil sa lahat umano ng mga naganap na krimen ay naisasampa sa korte.

Pinaigting narin aniya ng PNP Cordon ang beat at mobile patrol sa ngayon upang maibsan ang maaring maganap na krimen lalo na sa nalalapit na pasko at bagong taon lalo na sa mga matataong lugar o malalaking establisyemento sa bayan ng Cordon.

Facebook Comments