Aksidente sa Daan sa Aurora Isabela, Bumaba!

Aurora, Isabela – Bumaba na ngayong taong 2018 ang mga naganap na aksidente sa daan kumpara sa taong 2017.

Ito ang naging pahayag ni Police Inspector Andy Delos Santos, Officer-In-Charge ng PNP Aurora sa programang Sentro Serbisyo ng DWKD RMN Cauayan.

Aniya, naging malaking tulong sa pagbaba ng bilang ng aksidente sa daan sa bayan ng Aurora ang inisyatiba ng PNP na patrol beat system.


Nakakalat umano ang mga kapulisan sa mga matataong lugar at sa mga kadalasang pinangyayarihan ng insidente.

Nagkaroon narin umano ng 45 na araw na pagsasanay sa walong Public Order and Safety Officer (POSO) na isang joint effort ng PNP at LGU ng Aurora kung saan sila narin ang kasama ng mga pulis na nagmamando ng batas trapiko sa naturang bayan upang bantayan ang mga lansangan.

Idinagdag pa ni Police Inspector Delos Santos na isang dahilan rin umano ang police visibility sa mga lugar para makita ang mga pulis sa daan upang malimitahan ang pagkakaroon ng krimen sa mga nagnanais gumawa ng masama o maaring mangyari sa isang lugar.

Hindi naman ikinaila ng opisyal na may nasasangkot na mga menor de edad sa ilang aksidente sa daan ngunit patuloy parin aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng PNP sa batas trapiko.

Kaalinsabay rin ang patuloy na operasyon umano ng oplan visa sa mga pangunahing daan sa bayan ng Aurora.

Facebook Comments