Aksidente sa Daan sa Naguillan, 70-80% ay Dahil sa Kalasingan

Naguillan, Isabela – Madalas ay kalasingan ang sanhi ng mga aksidente sa lansangan.

Ito ang tinuran ni PSI Francisco Dayag, ang hepe ng PNP Naguillan, Isabela sa panayam sa kanya ng RMN Cauayan News Team. Ayon sa kanya, sa pangkabuuan ay mapayapa ang kanyang nasasakupang bayan ngunit nababahiran lamang ng mga aksidente sa lansangan dahil sa mga lasing na motorista.

Ibinahagi niya na mula nang siya ay nanungkulan na hepe ng Naguillan mula noong Nobyembre 2016 ay 70 hanggang 80% sa mga naitalang aksidente na kanilang nirespondehan ay dahil sa pag inom ng alak.


Ilan sa mga kaso ding kanilang naeengkuwentro ay manakanakang kaso ng droga, pagnanakaw ng baka o kalabaw at mga away sa mga barangay.

Ang Naguillan, Isabela ay isang maliliit na bayan sa gitna ng Isabela at ang pangunahing kabuhayan ay mais at palay.

Facebook Comments