Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patuloy ang pagkakaroon ng mataas na aktibidad ng Bulkang Taal.
Batay sa kanilang datos sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 86 na volcanic earthquake sa nasabing bulkan.
Maliban dito, nagkaroon din ng 84 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 34 na minuto at mayroon ding mahinang background tremor.
Nasa 5,466 tonelada bawat araw simula noong July 17, 2020 ang naitalang sukat ng sulfur dioxide na ibinuga ng Taal Volcano.
Umabot din sa 2,100 metro aang taas ng pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan bago mapadpad sa Hilagang-silangan dulot ng upwelling ng mainit na volcanic gas.
Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok o paglapit sa isla at sa mga gh-risk areas sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel.