Manila, Philippines – Kung dati, hindi pinapalapit ang media at hindi pinapasama ang mga supporters sa pribadong aktibidad ng pamilya Marcos sa himlayan nito sa LNMB, ngayon ay ibinukas na ito sa publiko.
Isang misa ang isinagawa na dinaluhan nina dating Senador Bongbong Marcos, dating first Lady Marcos, kapatid na si Aireen at iba pang kaanak at ng mga mga taong bumisita sa LNMB.
Sa isang maikling statement sinabi ni dating senador Bongbong Marcos na labis na nagagalak ang pamilya dahil sa kauna unahang pagkakataon ay nabasbasan ng pari ang puntod ng kaniyang ama. Sa wakas aniya ay matatahimik na ang kaluluwa ng dating Pangulo.
Facebook Comments