Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na tuloy-tuloy ang aktibidad ng pagsusuplay ng pagkain sa harap ng extension ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at sa mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Inatasan ni Agriculture Secretary William Dar ang kanilang mga regional director na siguraduhing tuloy-tuloy ang paghahatid ng surplus farm at fishery products mula sa farmers’ cooperatives patungo sa mga lugar na nakapaloob sa NCR Plus bubble.
Pinakiusapan din ng kalihim ang Philippine National Police (PNP) at mga Local Government Unit (LGU) na payagang madaling makagalaw ang mga magsasaka ,mangingsida at mga food entrepreneur na napakahalaga sa mabilis na pagpapadaloy ng suplay ng pagkain.
Pinagana na rin ang Kadiwa outlets sa mga LGU, isa na ang Metro Manila upang may mapagkuhanan at mabilhan ng mura at sariwang agri-fishery products sa panahon ng pandemya.
Mas pinaigting naman ng DA ang implementasyon ng mga inisyatiba at programa upang maalalayan ang agri-fishery industry.
Kabilang dito ang tuloy-tuloy na pagkakaloob ng technical at marketing assistance sa mga magsasaka at mangingisda.