Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred delos Santos, positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred delos Santos na positibo siya sa COVID-19.

Nalaman ng mambabatas ang resulta ng test ngayong araw, matapos siyang ma-expose sa isang COVID-19 positive.

Sinabi rin ng mambabatas na nakararanas siya ng sintomas ng sakit tulad ng ubo, lagnat, sipon at pagkahilo.


Nanawagan naman ang kinatawan na dapat higpitan muli ang pagpapatupad at pagbabantay sa minimum health safety protocol dahil napuna ng kongresista na nagkakaroon na ng “compliance fatigue” ang publiko at nababalewala na ang health protocols.

Facebook Comments