Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Naguilian, Nasa Apat

Cauayan City, Isabela- Nasa apat (4) na aktibong kaso ng COVID-19 ang natitira sa bayan ng Naguilian, Isabela matapos makapagtala ng kabuuang bilang na 18 na nagpositibo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Engr. Juan Capuchino, apat pa na COVID-19 positive ang kanilang hinihintay na magnegatibo sa ikalawang swab test kung saan ay nasa 13 na ang nakarekober mula sa 18 na total cases.

Isa (1) naman ang naitalang casualty matapos bawian ng buhay ang isang COVID-19 patient ng naturang bayan.


Sinabi ng alkalde na karamihan naman sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang bayan ay mga umuwing Locally Stranded Individuals (LSI’s) at mga Returning Overseas Filipino’s (ROF’s).

Gayunman, mahigpit pa rin ang pagmandato nito sa pagpapatupad ng mga protocosl gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, pag-obserba sa social distancing at pagbabawal sa anumang pagtitipon o mass gathering.

Samantala, inalerto din ng alkalde ang mga checkpoints para matiyak na walang makakapasok na anumang baboy o meat products mula sa ibang bayan upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Wala pa aniyang naitatala na kaso ng ASF sa bayan ng Naguilian kaya’t mainam aniya na mapigilan ang paglala ng ASF sa Lalawigan sa pakikipagtulungan ng mga barangay Kapitan.

Facebook Comments