Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 123 ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng health authorities sa Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), July 17, 2022.
Ito ay makaraang makapagtala ng karagdagang labing-apat na nahawaan ng virus mula sa anim na lugar sa probinsya.
Nananatili pa rin ang Tuguegarao City sa may pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 68 matapos madagdagan ng siyam (9) kahapon.
Naitala naman ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Amulung, Lal-lo, Peñablanca, Solana, at Sta. Teresita.
Sa ngayon, labing-anim (16) na bayan na ang apektado ng virus na kinabibilangan ng Tuguegarao City, Abulug, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Claveria, Enrile, Gonzaga, Gattaran, Lal-lo, Peñablanca, Solana, Sta. Ana, Sta. Teresita, at Tuao.
Facebook Comments