Cauayan City, Isabela- Bahagya nanamang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.
Ito’y matapos madagdagan ng 63 na panibagong positibong kaso ang bilang ng mga kinapitan ng COVID-19 sa Lungsod na naitala sa loob lamang ng isang araw.
Sa kabila ng naitalang bagong kaso, mayroon namang labing apat (14) na bagong gumaling sa sakit.
Hinihintay na lamang ang CV Codes ng mga bagong nagpositibo na naitala sa mga barangay gaya ng Alicaocao (2); Baculud (2), Cabaruan (3); Dabburab (2); District 1 (14); District 3 (4); Guayabal (1); Labinab (3); Marabulig 1 (6); Minante 1 (6); Naganacan (1); Pinoma (1); San Fermin (7); San Luis (1); Sta. Luciana (2); Tagaran (6); at Villa Concepcion (2).
Sa kasalukuyan, mayroong 143 na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.