Cauayan City, Isabela- Nananatili nalang sa isa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Health Office ngayong araw, June 13, 2022.
Ito ay mula sa bayan ng San Manuel na kasalukuyang binabantayan ng health authorities.
Kaugnay nito, umabot na sa 69, 124 na total cumulative cases, 2,258 ang COVID-19 related death at 66, 865 naman ang kabuuang bilang ng nakarekober sa sakit.
Dahil dito, 36 mula sa 37 na bayan ng Isabela ang COVID-19 Free.
Samantala, As of June 9, 2022, umabot na sa 1,056,024 o 83.8% ang fully vaccinated habang 1, 131,531 o 90% ang naturukan ng 1st dose.
Patuloy naman na nadadagdagan ang mga nagpapaturok ng booster dose na umabot sa 171, 265 o 13.6%.
Nananatili naman sa 277,418 o 24.2% ang unvaccinated adult population at 167, 647 o 38.4% ang unvaccinated pedia population.
Facebook Comments