Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) base sa isinumiteng datos ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU), at City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), mayroong 1,995 active cases ang Isabela habang mayroon namang naitalang 221 na panibagong kaso; 226 bagong recoveries at labing isa (11) na namatay.
Sumampa naman sa 21,426 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 na kung saan 18,790 rito ang gumaling samantalang 641 ang binawian ng buhay.
Nangunguna naman ang Lungsod ng Cauayan sa Probinsya sa may pinakamaraming bilang ng aktibong kaso na umaabot sa 243 at sumusunod ang bayan ng Tumauini na may 120 active cases.