Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Lalong Tumaas

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawampu’t pitong (27) panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos ng Integrated Provincial Health Office, mula sa 27 na new confirmed cases, walo (8) ang naiulat sa City of Ilagan, dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan, tatlo (3) sa bayan ng San Mateo, pito (7) sa Gamu, lima (5) sa Tumauini at dalawa (2) sa Roxas.

Dahil dito, umakyat sa 391 ang total active cases ng COVID-19 sa Isabela kung saan lima (5) ay mga Returning Overseas Filipino Worker’s, 43 ay mga Locally Stranded Individuals o LSI’s, 31 health workers, at 312 na maituturing na local at Community transmission.


Kasabay ng mga bagong kaso ay nakapagtala naman ang Isabela ng dalawampu’t tatlo (23) na bagong nakarekober sa virus.

Bagama’t bahagyang bumaba ang bilang ng mga naitalang panibagong kaso ay patuloy naman ang pagkalat at pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Lalawigan.

Facebook Comments