Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa inilabas na datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, April 9,2021, muling nakapagtala ang probinsya ng 186 panibagong kaso at 122 na bagong gumaling.
Dahil dito, pumalo sa 1,622 ang bilang ng aktibong kaso sa Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang ng gumaling sa 6,967.
Tumaas naman sa 8,777 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso at umaabot na rin sa 188 ang namatay.
Nangunguna ang Lungsod ng Santiago sa may pinakamaraming naitala ngayong araw na may 41 bagong positibo na sinundan ng City of Ilagan na 24 at 16 naman sa Lungsod ng Cauayan.
Facebook Comments